Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Thursday, August 26, 2010

Paintbrush

Hindi mababali ang samahan namin

Ng mahal kong paintbrush na hulog ng langit.

Siya ang first love ko’t ang mga tanawin.

Mga likha nami’y laging na-exhibit.

Kinulayan namin ang gabing nagmaliw,

Ilog na kaydumi, bata sa lansangan,

Mga pahinante’t nag-iisang sisiw.

Anumang makita’y nailalarawan.

Subalit dalagang maganda’y sinupil

Ang puso ko’t isip maging panaginip

Kaya ang pagkumpas ng paintbrush, natigil.

Ipininta ko s’ya, subalit nandiri.

Ako’y naging marmol sa biglang nasilip

May singsing, kumislap, sa kanyang daliri.

Hilig at Ligalig

Bawat mga araw na nagdaraan

Ay tulad ng sabong mabilis matunaw.

Pagdampi’t pagdaloy nito sa katawan

Ay sa pusalian na lang pupukaw.

Kaya maaga pa’y gawin na ang nais;

Umarte sa teatro, sumulat ng awit,

Magtayo ng parlor, maglaro ng tennis,

Nang kaligayan ay hindi makupit.

Kung nalulugod ka sa trabahong hilig,

Pakainaman mo at ipagpatuloy

Dahil kung trabaho’y nagpapaligalig,

Para kang nagsibak ng nabasang kahoy.

Gawin mo ang sa’yo ay magpapasibol

Nang maligaya ka’t kuntentong iburol.

Monday, August 16, 2010

Kung Paano Natutong Umawit si Fatima

I. Tema

Ang sinumang nasadlak sa pang-aabuso ay gagapang, tatayo, at lalaban.

Tungkol ang kuwento sa pagmamahal sa pamilya, pagiging isang katulong, at pagkakaroon ng lakas ng loob sa mga dagok sa buhay.

II. Storyline (Kung Paano Natutong Umawit si Fatima)

Kamamatay lamang ng ina ni Fatima Dela Cruz, 16. Nag-aplay siya bilang katulong sa mansion ni Jabbar Celestino upang matulungan ang tiyahin sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid. Di malaman nang mga kasamahan niya kung bakit madalas siyang tulala, nanginginig, at binabangungot. Sa kabila nito, nagkaroon siya ng nobyo na madalas niyang makaaway dahil sa pagiging touchy nito. Sa nobyo niya ipinagtapat ang emotional baggages niya – ang pisikal at seksuwal na pang-aabuso ng kanyang ama.

Unti-unting nagkaroon ng pag-asa si Fatima na matutupad niya ang pangarap na maging isang sikat na mang-aawit sa pamamagitan ni Jabbar. Ito kasi ang ipinangako niya sa ina, at sa tingin niya, ito ang paraan upang mapaghigantihan ang ama. Hindi nga siya nagkamali. Tinulungan siya nito sa pamamagitan ng mga singing rehearsals. Subalit isang araw, ginahasa ni Jabbar si Fatima, at napatay siya ng dalaga. Nagtapos ang kuwento na tumatakbo at umaawit nang nakahubad ang dalaga.

III. Listahan ng mga Tauhan

1. Mga pangunahing tauhan

A. Fatima Dela Cruz

- Physical:

o 16 years old

o Simple lamang manamit at Pinay beauty, 5”2 ang tangkad at balingkinitan ang katawan, chinita at mapupula ang mga labi

o Madalas natutulala at bangungutin dahil emotionally depressed siya

- Sociological:

o Nagtatrabaho siya bilang katulong sa mansion nila Jabbar.

o Nakapag-aral hanggang 1st year high school subalit hindi na kinaya ang hirap ng pag-aaral na resulta na rin ng pang-aabuso ng ama.

o Mahal na mahal siya ng kanyang ina, at vice-versa.

o Mataas ang pagtingin niya sa mga nakapag-aral at mayayaman, kaya mas lalo niyang minamaliit ang sarili

- Psychological:

o Napapalibutan siya ng mga kasamahan/katulong sa mansiyon.

o Hindi nagtatagal ang mga relationships niya dahil nararamdaman niyang unsafe siya sa mundo.

o Mahiyain at mababa ang pagtingin sa sarili dahil sa pang-aabusong ginawa ng ama noong bata pa lamang siya.

o Nararamdaman din niya ang pandidiri sa sarili

o Hindi siya agad nagtitiwala sa mga tao.

o Takot siya sa maraming bagay.

o Pessimistic

o Tumatakas sa problema

o Emotional baggage: ginahasa siya ng ama

o Nais niyang matupad ang ibinilin ng ina bago ito namatay: ang tuparin niya ang pangarap niyang maging sikat na mang-aawit.

o Nagkaroon siya ng pag-asa sa amo na si Jabbar

-

2. Mga sekundaryong tauhan

A. Koko Santos

- Physical:

o 20 years old

o Maangas ang itsura, hindi katangusan ang ilong, pero may hubog ang katawan, mas matangkad kay Fatima, may pagka-madungis manamit

- Sociological:

o Nagtatrabaho siya bilang pahinante/taga-tibag ng yelo sa ice plant ng mga Celestino

o Hanggang elementarya lamang ang natapos

o Buo ang pamilya at mahal na mahal siya nito. Ito ang kinaiinggitan sa kanya ni Fatima.

- Psychological:

o Masiyahin

o Hindi mataas ang pride

o Minahal niya si Fatima sa kabila ng oddity na nakita niya sa dalaga

o Optimistic

o Malakas ang loob, subalit mababaw mangarap

o Emotional baggage: Hindi siya marunong mangarap dahil ito ang itunuro sa kanya ng ina.

o Si Fatima ang nagturo sa kanyang mangarap

B. Jabbar Celestino

o 53 years old

o Mukang Indiyan subalit lighter ang skin color, mukang mataray, matangkad at maganda ang katawan, guwapo

o Nagmamay-ari ng Celestino Ice Plant at iba pang kompanya.

o Isang Talent Manager

o Music-lover

o Hiwalay sa asawa

o Nagtapos ng Economics sa isang mataas na pamantasan

o Optimistic

o Mahal na mahal niya ang anak na si Liezl

o Mabait sa mga empleyado at sa ibang tao

o Subalit sabik sa sex

o Alam niyang kaya niyang makuha ang kahit ano

o Tricky mag-isip

o Malakas ang loob

o Emotional baggage: Hindi kayang magpaka-ama sa anak

C. Liezl Celestino

o 26 years old

o anak ni Jabbar

o Matangos ang ilong, kayumanggi rin tulad ng ama, matataba at mapupula ang pisngi, balingkinitan ang katawan

o Marami ang mga manliligaw

o mayaman ang ina at ama, kaya kakagraduate pa lamang ay may negosyo na ito

o Music-lover

o Nagtapos ng BAA sa UP

o Optimistic

o Mabait sa mga empleyado

D. Grace

o 43 years old

o Mayordoma sa mansiyon nila Jabbar

o Mabait sa mga kasamahan

o Maunawain

E. Ama ni Fatima

o 53 years old

o Black version ni Fatima

o Walang ginawa kundi maglasing at maghanap ng bisyo

o Wala na rin kasing tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil sa sakit na TB

o Mahal na mahal ang kanyang asawa’t anak

o Ginahasa ang panganay na si Fatima

o Naging sanhi ng paghihirap ng buhay ni Fatima

F. Ina ni Fatima

o 46 years old nang namatay

o Simple at hindi maarte sa katawan

o Mahirap

o Ipinagtanggol si Fatima laban sa pang-aabuso ng ama

o Mahal na mahal ang kanyang pamilya

o Namatay dahil sa kanser sa baga

o Ibinilin sa anak na tuparin nito ang kanyang pangarap

G. Mga katulong sa mansiyon

o Mabait kay Fatima

o Masisipag

o Maunawain

o Mga tsismoso’t tsimosa

IV. Ulat

Nais ko talagang gawan ng istorya ang unang storyline tungkol kay Stir, isang rebeldeng teenager. Bakit? Sapagkat mula ito sa sarili kong karanasan.

Matindi ang pinagdaanan ng aking pamilya dahil sa pagrerebelde ni AG, ang pangalawa kong kapatid. Saksi ako sa mga naging pagbabago niya at sa mga naging epekto ng mga kaibigan niya sa kanya. Nasaktan ako dahil wala akong nagawa bilang panganay niyang kapatid, subalit alam kong higit niyang nasaktan ang aking mga magulang. Nais ko sana itong isulat upang mas maunawaan ang side ng aking kapatid at upang mas mabuksan ang aking sarili sa tunay na pagmamahal ng mga magulang. Nais ko rin sanang ibahagi ang ilan sa aking mga karanasan bilang panganay na nagsusumikap mapalapit sa pangalawang kapatid at ang ilan sa aking mga karanasan sa pagiging isang misyonera.

Subalit hindi ito ang storyline na napili ng aking mga kamag-aral. Marahil dahil bitin ang unang storyline at kulang sa detalye. Generalized ito at hindi ko pa naiisip ang magiging resolusyon. Kaya higit nilang nagustuhan ang ikalawang storyline ukol sa katulong dahil:

o “Marahas!!! I love it... ^_^ Pwedeng pagyamanin ang kuwento sa pagpapakita ng makahulugang mga scenes” – Uy

o “Hindi ako nakapili dahil sobrang magkaiba ang mga ito. Ang #1 ay safe at maganda ang kuwento ngunit bitin ng kaunti. Sa #2, nakakaaliw at imaginative. Parang mas gusto ko ang #2.” – Faustino

o “#2. Maaaring idevelop. Gusto ko ang kuwento tungkol sa sex slave. Pwedeng magkaroon ng twist sa katapusan.” – Mendaros

o “Grabe. Hirap pumili sa pagitan ng pabayang mag-aaral at makitid na pag-iisip laban sa basang kilikili-Jabbar =)) Final na #2, ewan given na talaga kasi na family comes first e. Kaya #2 na lang pwede pa paglaruan ang mga pangyayari.” – Velasquez

o “Bet ko yung conflict naging slave. Tsaka base sa realidad dahil hindi iba yung gahasa something hehe! :p mas mapapalawak pa!!” – Lanado

o “Gusto ko ito dahil may sukdulan, nakakakaba. :p” – Patente

o “Gusto ko yung #2 kasi malinaw na gusto mong palabanin/bigyang kapangyarihan ang babae.” – Glory

o “Storyline #2. Good premise. Add some twists. Huwag gawing stereotype ang pag-aabuso ng lower class.” – Salonga

Ikinaligaya ko naman ang pagboto ng tatatlong tao sa unang storyline:

o “Storyline 1 – mas intricate yung plot kaya mas interesting kung iisipin ng biswal. Ok din kasi interesting yung personality ng bida.” – Tegelar

o “Storyline 1. Maganda ang punto ng kuwento. Pamilya ang kailangan istress dito.” –

o “Magandang madevelop ang unang storyline dahil mas maidedescribe mo’t mabibigyan ng detalye dahil nasa edad kang ganito. Mas makakapag-express ka, mas magiging effective.” – Tabilin

Nung una, desidido akong ipagpatuloy ang unang storyline. Nagdahilan pa akong, “Amateur lang ako kaya gagawin ko muna iyong sa tingin ko’y magpapalabas ng tunay kong kulay.” Pinaniwalaan ko rin ang komento ni Tabilin na mas makakapag-express at mas magiging effective kung maisusulat ko ang storyline dahil nasa edad akong ganito, lalo pa’t sarili ko itong karanasan.

Subalit nang dumating ang email ng guro at nang nalaman ko ang pinili niyang storyline, nagdalawang-isip na ako. Napakalakas nang naging impluwensiya ng aking guro sa pinal na pagpipili ko ng storyline. Isinama ko sa aking pag-iisip na maaaring talagang mas maganda o mas mataas ang lebel ng ikalawa kong storyline. Maaaring mas interesting ito at mas mapapahusay ko pa. Maaaring tama ang siyam na tao sa aking klase na mas may ibubuga ang ikalawa dahil mas mapaglalaruan ko pa ang mga pangyayari.

Dahil dito ay pinili ko ang ikalawang storyline, and I took it as a challenge.

V. Aristotelian Diagram

VI. Sequence Treatment

1. EXT. KALYE PAG-ASA. UMAGA.

Naglalakad si Fatima sa kalye Pag-asa. Ipinakikita ang ordinaryo niyang relo na tumigil na. Ipinakikita rin ang mga kabahayang inaplayan niya na di siya tinanggap.

2. EXT. PARKE. HAPON.

Nakakita siya ng dalawang lalaking nagbabasketball. Magkamukha sila, subalit mas matanda ang isa. Mag-ama sa paningin ni Fatima. Mabilis niyang ililihis ang kanyang mga mata. Nakakita naman siya ng kambal sa palaruan. Nainspire siya dahil naalala niya ang dalawang kapatid, kaya mas bibilisan niya ang paghahanap ng trabaho.

3. INT. MANSION NG CELESTINO. GABI.

Ipinakikitang muli ang relo ni Fatima. This time, umaandar na ito. Ipinakikita ang bagong environment ng kanyang trabaho kasama ang ibang mga katulong. Naghahanda sila ng hapunan para sa amo.

4. EXT. HARDIN. UMAGA.

Kumakanta si Fatima habang nagdidilig. Maririnig ni Koko ang magandang himig at susundan iyon. Magpapakilala si Koko at mag-uusap ang dalawa. May pagka-awkward sa conversion at tinutukoy iyon ni Koko subalit di niya matukoy.

5. INT. MUSIC ROOM. HAPON.

Maririnig ni Jabbar na umaawit sa loob ng kuwarto si Fatima habang naglilinis. Papasok siya at babatiin nito ang kanyang boses. Magpapasalamat ang katulong. Yuyuko at magtatangka nang lumabas ng kuwarto. Subalit inusisa siya ni Jabbar. Tinatanong nito kung bakit daw hindi sumali si Fatima sa mga singing contest, sakaling palarin siya’t manalo. Magsasalita si Fatima at dito natin mahihinuha na mababa ang kanyang self-esteem.

6. EXT. LABAS NG MANSION. GABI.

Makikipagkuwentuhan si Koko kay Fatima. Sinusubukan ng lalaki na mas lalo pang makilala si Fatima kahit hirap na hirap siya. Sa mga panahong ito, nahuhulog na ang loob ni Koko kay Fatima.

7. INT. KUSINA. HAPON.

Nagkukwentuhan ang mga katulong tungkol sa amo at sa mabubuti nitong nagawa sa mga kapamilya’t kaibigan. Sinabi nila kay Fatima na marami nang natulungan si Jabbar, hindi lang iyon halata sa mataray nitong mukha. Fair din daw ito sa pagpapasuweldo. Paminsan-minsa’y may bonus pa.

8. INT. SALA. GABI.

Naghahanap ng mapapanuod si Liezl. Natapat niya ang tsanel sa Glee. Kumakanta nun si Charice Pempengco. Napatigil si Fatima sa ginagawa, at sandaling nagkaroon ng himig ang kapaligiran.

9. INT. KUWARTO NG MGA KATULONG. GABI.

Kinakausap ni Fatima ang larawan ng ina, hinihiling na maiahon na niya ang sarili at ang mga kapatid sa kahirapan. Pero mas hinihiling niya ang kapanatagan at katatagan ng sarili para sa kinabukasan niya at ng kanyang mga kapatid. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog, gigisingin siya ni Grace. Binabangungot siya.

10. EXT-INT. KALSADA-KOTSE NI LIEZL. HAPON.

Mamalengke at maghuhulog ng liham si Fatima. Nang siya ay pauwi na, sinutsutan siya ng mga tambay sa kanto. Kakaripas siya ng takbo. Makikita na Liezl ang pamilyar na uniporme, bubusinahan niya ang katulong. Mag-aalinlangan sa pag-akyat si Fatima. Mag-uusap ang dalawa sa kotse. Malalaman ni Fatima na mabait ang anak ng amo kahit mukha itong suplada. Malalaman din niyang suma-sideline si Jabbar bilang isang Talent Manager.

11. INT. KUSINA. HAPON.

Naghuhugas siya ng plato. Napaisip pa rin si Fatima sa nalamang Talent Manager si Jabbar.

12. INT. DINING AREA. UMAGA.

Nagpapaalam si Liezl sa ama. Yinakap niya ito at hinalikan. Pinagtaasan ng balahibo si Fatima. Nang makaalis si Liezl, hinead-to-toe ni Jabbar si Fatima habang nakatulala ito sa kawalan. May pagkatakam sa mukha ng amo. Pumanhik si Fatima nang makita niyang nakatingin sa kanya si Jabbar.

13. INT. KUSINA. HAPON.

Pinagagalitan si Fatima ni Grace dahil nagtatrabaho ito ng wala sa sarili. Tahimik lamang si Fatima nung una, subalit nagdabog siya nang paalis na siya.

14. EXT. HARDIN. GABI.

Kaarawan ni Liezl. Makikita dito ang social class sa lipunan. Halos lahat ng mga kaibigan ni Liezl ay walang patid sa kauutos sa mga katulong kaya naging abala sila Fatima sa pagsisilbi sa mga ito. Napag-utusan si Fatima na kumuha ng salad sa kusina nang bigla siyang kinorner ni Koko. Wala naman talagang balak gawin si Koko, binibiro lang niya ang dalaga. Subalit, binayagan niya ang lalaki, at umiyak kinagabihan.

15. EXT. HARDIN. UMAGA.

Tumakas lamang si Koko mula sa planta ng yelo at hinanap si Fatima. Naglilinis si Fatima. Panay sorry ang binata subalit hindi nagsorry sa kanya si Fatima. Sinabi ni Fatima na galit siya kay Koko dahil katulad din nito ang ibang mga lalaki. Pero binalaan niya ang binata na wag daw niyang subukang iwan ang dalaga, kundi mag-aaway daw sila. Nagtaka si Koko, subalit natuwa naman sa huli.

16. INT. MUSIC ROOM. HAPON.

Ipinatawag ni Jabbar si Fatima sa kuwarto. Tinanong niya ang dalaga kung pangarap ba nitong umawit. Sa unang pagkakataon, tumungo ang dalaga. Pinaawit ni Jabbar ang dalaga. Ayaw ng dalaga. Hindi raw niya kaya. Subalit sinindak siya ng amo. Natakot ang dalaga at umawit. Sa una’y nangingig pa, subalit habang tumatagal ay gumaganda. Tinititigan siya ng buong galak ng amo. Tiningnan siya ni Jabbar na tila hinuhubaran. Di naman niya ito napapansin dahil engrossed siya sa pagkanta.

17. INT. KUWARTO NG MGA KATULONG. GABI.

Pumasok si Liezl sa kuwarto nila Fatima, at tila masaya ito. Ibinalita nitong tila nagugustuhan ng ama ang boses ni Fatima. Pinayuhan niyang magdasal pang lalo si Fatima. Nang gabing iyon, natulog ang dalaga nang may napakalaking ngiti sa pisngi.

18. INT. KARAOKEHAN. HAPON.

Inaawitan ni Koko si Fatima. Natutuwa naman ang dalaga. Ikatlong monthsary nila at yinaya siya ng lalaking kumanta. Subalit nang awitin ni Koko ang Unchained Melody, nagalit si Fatima at nagwala. Iyon daw kasi ang paboritong awitin ng kanyang ama.

19. INT. CELESTINO ICE PLANT. GABI.

Dinala ni Koko si Fatima sa kanyang pinagtatrabahuhan. Tinuruan niya ito ng basics tungkol sa pagtitibag ng yelo. Irinegalo ni Koko kay Fatima ang paborito nitong ice pick. Ginamit agad ito ni Fatima ang ice pick at pinagsasaksak ang higanteng yelo. Pinigil siya ni Koko. Yinakap siya nito. Ilang sandali ay hinalikan siya ng lalaki. Nanghina siya, subalit nagustuhan niya. Nang maramdaman niyang unti-unti na siyang hinuhubaran ng nobyo, nagsisigaw siya at nagmumura. Di na kinaya ni Fatima, hanggang sa humagulgol na siya at inamin sa nobyo ang kanyang emosyonal na problema.

Flashback ng pangyayari:

Pitong taong gulang nang siya’y gahasain ng ama. Simula noon, nalungkot siya at nawalan ng tiwala sa sarili. Nahihiya siya at nandidiri sa sarili. Bumaba ang kanyang grado at kailanma’y hindi na tumuntong pa sa stage upang umawit. Tanging ang ina niya ang umalalay sa kanya. Subalit, namatay din ang kanyang ina dahil sa kanser sa baga. Ibinilin ng kanyang ina na tuparin niya ang pangarap na maging sikat na mang-aawit.

Hindi niya magawang sampahan ng kaso ang ama dahil labag sa kalooban niya at ayaw niyang masaktan ang ina. Tutuparin na lamang niya ang pangako sa ina na maging mang-aawit nang hindi siya masabihang talunan. At ang taong makatutulong sa kanya upang maabot ang pangarap ay si Jabbar.

Yinakap siya ni Koko nang may buong pagmamahal.

20. INT. KUWARTO NG MGA KATULONG. GABI.

Umiyak ng umiyak si Fatima habang inaaalala ang mga pangyayari.

21. INT. MUSIC ROOM. HAPON.

Binigyan ni Jabbar ng mga CD at ipod si Fatima. Ayaw niya itong tanggapin subalit napilit siyang muli ng amo.

22. EXT. LABAS NG MANSION. GABI.

Nagagalit si Koko kay Fatima. Hindi kasi ito sumipot sa kaarawan ng nanay niya. Ang dahilan ni Fatima ay nag-rirehearsal daw sila ni Jabbar.

23. INT. MUSIC ROOM. UMAGA.

Panay ang papuri ni Jabbar kay Fatima. Panay physical touches ito sa diaphragm, kamay, dibdib at lalamunan. Umiiwas man si Fatima ay napipilit siya nito. Kung hindi raw siya magpapaturo, paano siya gagaling sa pag-awit?

24. INT. DINING ROOM. UMAGA.

Nagpatawag ng day-off si Jabbar sa mga kasambahay. Kung ayos lamang daw sa dalaga, magpa-iwan na lamang dito upang makapagrehearsal. Sinabi niya kay Fatima na naghahanap na siya ng matinong mapagtatrabahuhan ng dalaga sa loob ng industriya. Sabik na sabik si Fatima.

25. INT. KUSINA. TANGHALI.

Nagtitsismisan ang mga katulong tungkol kanila Jabbar at Fatima.

26. EXT. LABAS NG MANSION. GABI.

Ikinuwento ni Fatima ang lahat ng ginagagawa nila ni Jabbar kay Koko. Ipinakita ni Koko na natutuwa siya, subalit ang totoo’y nagdududa na siya.

27. INT. MUSIC ROOM. GABI.

Gwapong-gwapo ang itsura ni Jabbar. Nagsimula na sila sa pagrirehearsal. Pinuna niya ang paagiging matamlay ng dalaga. Tumanggi si Fatima subalit ipinagpipilitan ng amo na hindi iyon magandang senyales kaya nag-offer siya ng masahe sa dalaga. Sakali raw na gumaan ang pakiramdam nito. Sapilitan na namang napasunod si Fatima. Itinulog na lamang niya ang kanyang wild and crazy imaginations tungkol sa amo.

28. INT. KUWARTO NI JABBAR. MADALING ARAW.

Nagising na lamang siya dahil sa sakit ng kanyang puke. Nang makita niya ang amo na nakapatong sa kanya at ipinapasok ang ari sa puke niya, nagpanik siya at nagsisigaw. Lumaban siya sa amo. Umiiyak siya habang ginagawa iyon ng amo. Tinadtad niya ng mura ang amo. Subalit napakalakas ng amo, ni hindi niya maikilos ang mga braso.

Nagkaroon siya ng pagkakataon na makuha ang ice pick na iniregalo ni Koko sa bulsa ng kanyang uniporme. Pinagsasaksak niya ang amo tulad nung nagtitibag siya ng yelo kasama ni Koko. Hanggang sa naghingalo si Jabbar. Binitawan ni Fatima ang ice pick sa labis na pagkagulat sa kanyang nagawa.

29. INT. KUWARTO NG MGA KATULONG. MADALING-ARAW.

Kinuha ni Fatima ang larawan ng mga kapatid at ng ina. Kinuha rin niya ang mahahalagang gamit habang sabay na umiiyak at humahalakhak. Umiiyak siya dahil iniisip niyang ang tanga tanga niya. Pinatay niya ang taong tanging makatutulong sa kanya na tuparin ang pangako sa ina. Humahalakhak naman siya dahil naiisip niyang ito ang napapala ng mga taong mapagsamantala tulad ng kanyang ama. Nagkaroon siya ng pakiramdam na sa wakas ay nakapaghiganti na rin siya sa ama.

30. INT. SALA. MADALING-ARAW.

Nag-dodoor bell at sumisigaw si Koko mula sa labas ng mansion. Di siya pinansin ni Fatima, at nagpatuloy lamang ito sa pagtatakbo sa likod-bahay.

31. EXT. KALYE PAG-ASA. UMAGA.

Si Neeya ay nagtatatakbo sa Kalye Pag-asa at napakalakas na kinakanta ang I’m a Survivor. Wala siyang ibang kasuotan at kagamitan maliban sa relo niya na wala na namang baterya.