Jennifer Raiza S. Macaraeg
‘Wag harangan, katatagan sa buhay
Dahil ito’y sadyang walang kapantay
Sa bawat pagsubok na nailalatag,
Pusong busilak lubos na tumatatag
Kung krisis at delubyo ang iyong sitwasyon
Pagtalikod sa iyo’y hindi susubukan
Nitong taong may balikat na handa,
Sa luha mong maya-maya’y kakawala
Hindi maikakaila ang pagmamahal niya –
Sa mga pahina at salita,
Sa mga tugtugin at melodiya
Ikalulungkot kung ang mga ito’y hindi nalikha
Sa 16 na taon, naiguhit niya sa kanyang imahe
Mga katangiang sa iba’y hindi maaaring mamalagi
Kagandahan at kasiyahan ng kaanyuan
Mga lalaki’y napa-ibig ng hangganan
Maglalakad. Matitisod. Tatakbo. Luluhod.
Gagapang. Babangon. Sasapalarin ang mundo
Upang mga pangarap niya’y matamo
Na halaga’y lampas sa anumang ginto
Kaibigan at kapatid mo sa ibang daigdig
Na hinding hindi ka bibitawan sa kawalan
Tuluyan ka lamang mamahalin
Hanggang matapos ang kailanman
Sa mahalagang araw niya’y
“Bro, huwag mo sanang lubayan
Munting anghel na alagad ng Diyos Ama
Sangkatutak pa ang maibabahagi niya
Sa mundong Inyong nilikha.”
Maligayang bati Babytwin1, mula sa iyong pinakamamahal na Yaya :)
-This poem I made for one of my sweetest friend alive. She requested for a certain gift -post mail- ok, imagine the hassle it wil bring you right after you step out of your house and go to the office. Choose your post sticker and pay for it, while waiting for the transaction, which is done --manually. Whu! Mind-wrecking, noh? So I rather made her this poem and decided later on na kahit I already got thousand of complaints sa pagmamail ng mano-mano, isesend ko parin, anyhow it would make her feel extra special. ;) HAPPYBIRTHDAY BABAYTWIN1 KO. LOVELOTTSZ ;D Belated, I guess nyaha ;p
Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.
Saturday, June 13, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)