Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Tuesday, October 19, 2010

Pagninilay sa Plagiarism sa Filipino Speech at Drama

Graduation Speech ni Manny Pangilinan

Isang napakagandang araw para sa mga Atenians Batch 2010 ang kanilang Araw ng Pagtatapos noong ika-26 at 27 ng Marso. Kumbaga, ito ang rurok ng lahat ng kanilang paghihirap, pagpupuyat, at pagsisikap. Ito ang pinakahinhintay hindi lamang ng daan-daang estudyante, kundi ng pamilya ng bawat isa sa kanila.

Subalit, isang pangyayari ang sumira rito, at ito ang anomalyang idinulot ng pangongopya ni Manuel V. Pangilinan ng kanyang graduation speech.

Si Manuel V. Pangilinan ay isang prominenteng negosyante sa Pilipinas. Isa siya sa mga namumuno sa Philippine Long Distance Communications at Smart Communications. Siya rin ang chairman ng Ateneo Board of Trustees. Itinuturing siyang isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas.

Sa kabila ng kasikatan at kaunlarang tinatamo ni Pangilinan, nasangkot pa rin siya sa kaso ng Plagiarism – nagpapatunay lamang na walang nakatatakas sa kasong ito.

Maganda, nakapupukaw, at nakapagbigay ng inspirasyon ang talumpati ni Pangilinan, subalit hindi ito naging tama.

Napag-alaman ng GMA.news na ginamit ni Pangilinan ang ilang popular na sipi mula sa talumpati nina Barack Obama, Oprah Winfrey, J.K. Rowling, at Conan O’Brien, at hindi nagbigay ng tamang kredits sa kanila. [i]

Ito ang talumpating ibinigay ni Barack Obama sa Arizona State University noong 2009:

"For many of you, these challenges are also felt in more personal terms. Perhaps you're still looking for a job — or struggling to figure out what career path makes sense in this disrupted economy. Maybe you've got student loans — no, you definitely have student loans — (applause) — or credit card debts, and you're wondering how you'll ever pay them off. Maybe you've got a family to raise, and you're wondering how you'll ensure that your children have the same opportunities you've had to get an education and pursue their dreams."

Ito naman ang ibinigay ni Pangilinan:

"For all of you, these challenges are felt now in more immediate and personal terms. You will soon be looking for a job – struggling to figure out which career makes sense in this economy of ours. Maybe you have loans, and are worried how you‘ll pay them down. Maybe you‘ve got a family to help. Maybe you‘re asking how your siblings can have an Ateneo education like you had."

Ito ang ilan sa mga sinabi ni J.K. Rowling sa Harvard University noong 2008 na malaki ang pagkakapareha sa susunod na linya ni Pangilinan:

Rowling: "I had no idea then how far the tunnel extended, and for a long time, any light at the end of it was a hope rather than a reality," Rowling said in her speech.
Pangilinan: "I had no idea how far the tunnel of failure extended. And any light at the end of it seemed more hope than reality."
Rowling: "The knowledge that you have emerged wiser and stronger from setbacks means that you are, ever after, secure in your ability to survive."
Pangilinan: "The knowledge that you have emerged wiser and stronger from setbacks means that you can be secure in your ability to survive."

Narito naman ang kay Oprah noong nagtalumpati siya sa Stanford University noong 2008:

Winfrey: "Let me tell you, money’s pretty nice. I'm not going to stand up here and tell you that it’s not about money, 'cause money is very nice. I like money. It’s good for buying things. But having a lot of money does not automatically make you a successful person. What you want is money and meaning. You want your work to be meaningful. Because meaning is what brings the real richness to your life. What you really want is to be surround by people you trust and treasure and by people who cherish you. That’s when you're really rich."
Pangilinan: "Let me tell you, money’s pretty cool. I‘m not going to stand here and tell you that’s it’s not about money, because money is sweet. I like money. It’s good for buying companies and things – and for putting up a few buildings here and there for Ateneo. But having a lot of money does not totally make you a successful person. What you want is both money and meaning. You want your life and your career to be meaningful. Because meaning is what brings real richness to your life, to be surrounded by people you can truly work with – because you trust and treasure them, and they cherish you in return. That’s when you‘re really rich..."

At ang panghuli ay ang kay Conan O'Brien na ibinigay niya noong 2000 sa Harvard:

Conan O'Brien: Fifteen years ago I sat where you sit now and I thought exactly what you are now thinking: What's going to happen to me? Will I find my place in the world? Am I really graduating a virgin?

Pangilinan: 44 years ago I sat where you now sit, I also thought what you now think – What is going to happen to me? Where can I find a job? Am I really graduating a virgin?

Nang mabasa ng kritiko ang mga siping ito, hindi niya agad nahalata na ito’y kinopya lamang, dahil gumamit si Pangilinan ng isang teknik na tinatawag na patchwriting. Ito ay ang simpleng anyo ng pangongopya na madalas gawin sa paaralan. Dito ay kinukuha ang isang sipi, pagkaraa’y babaguhin ang ilang salita, pagpapalit-palitin ang pagkakasunod ng mga salita, at saka magbubura ng kaunti. Kumbaga, ineedit at gagamitin ang isang sipi subalit hindi magbibigay ng angkop na kredit.[ii]

Napakayaman at napakaprominenteng tao ni Pangilinan sa loob ng bansa. Kaya nang mabasa ng kritiko ang tungkol dito ay nagulat siya’t natakot.

Nagulat ang kritiko sapagkat hindi ordinaryong tao si Pangilinan. Marami siyang negosyo at institusyong pinamumunuan, marami rin siyang kolehiyo at organisasyong tinutulungan. Isa ng malaking tao si Pangilinan, at kahit ang kritiko ay hindi maiisip na masasangkot pa sa kasong plagiarisim ang isang propesyonal na tulad niya.

Natakot naman ang kritiko sa ideya na, kung ang isang henyo’t milyonaryo ay nagagawa pang mangopya sa kabila ng mga resources na mayroon siya, paano na lamang ang mga taong nasa ibaba niya – na kung iisipin, ay mas kakaunting kaalaman, kakayahan at mapagkukunan?

Kung tutuusin, karaniwang usapin na ang plagiarism lalo na sa mga mag-aaral. Kapag may mga papel, prokeyto, o takdang aralin at hindi alam ng mag-aaral kung paano sisimulan o ano ang gagawin, ang unang-unang papasok sa isipan niya ay ang magresearch sa internet o sa silid-aklatan. Walang problema kung maghahanap lamang ng tulong mula sa mga resources, subalit ang naging trend na sa mga paaaralan ay ang tinatawag na copy-and-paste method. Dito ay kinokopya’t inaangkin ng mga mag-aaral ang mga sulati o publikasyong pagmamay-ari ng ibang tao. Hindi sila nagbibigay ng sapat na kredits sa may-ari, kahit pagpapakita lamang ng respeto

Kaya’t nang matuklasan ng kritiko na ang tulad ni Pangilinan ay nasangkot sa ganoong kaso, sadyang nagulat siya. Gradweyt si Pangilinan mula sa ADMU, isang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Matatalino, magagalang, at may takot sa Diyos ang ipinakikitang imahen ng mga mag-aaral mula sa ADMU, pero mukhang iba ang ipinakita ni Pangilinan sa kanyang aksiyon. Si Pangilinan ang naging tagapukaw sa mga Pilipino sa sitwasyon – na sadyang lumalaganap na ang pangongopya at kailangan na itong aksiyunan.

Sa kabilang banda, nahihinuha ng kritiko na may natatanging dahilan si Pangilinan kung bakit niya isinama ang mga pahayag na iyon sa talumpati.

Wasto at tamang-tama ang mga salitang ginamit ni Pangulong Obama sa kanyang pahayag. Kung titignan ang diskurso, maganda ang sinasabi ng pahayag. Tumpak para sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa, at makatotohanan para sa tunay na damdamin ng isang batang kakatapos pa lamang. Maliban doon, marahil gusto ring mapamangha ni Pangilinan ang kanyang mga tagapakinig, marahil nais din niyang makamit ang applause nila.

Pero kung tungkol sa layunin ng talumpati ang pag-uusapan, masasabi ng kritiko na napagtagumpayan ni Pangilinan na maipahayag ang kanyang mga natatanging mensahe na – (1) ang tunay na kayamanan ay hindi pera, kundi ang pagmamahal ng pamilya’t kaibigan, (2) ang kanilang mga pangarap ang gagabay sa kanilang kinabukasan, (3) ang tagumpay ay hindi nasusukat sa pera, (4) ang pinakamahalaga ay ang karakter ng isang tao, hindi ang katanyagan, (5) Mas mahalaga ang katapangan at ang kakayahang tumayo sa mga kabiguan, kaysa sa mga tagumpay na nakakamit, (6) Hindi mahalaga kung gaano kahaba ang buhay ng tao, ang mahalaga ay kung gaano kabuti ang idinulot nito. Sa palagay ng kritiko, ang lahat ng mga nabanggit ay maliwanag at tunay ngang nakapagbigay ng inspirasyon, at nagpalakas sa loob ng mga mag-aaral. [iii]

Subalit, hindi lahat ng maganda at masaya ay tama sa paningin ng iba. Maganda nga ang layunin ni Pangilinan, ngunit hindi naman naging wasto ang kanyang pamamaraan – tila nawalan din ng saysay at kredibilidad ang kanyang mensahe.

Ang Pangalan Ko’y Urduja ni Jovenal Velasco [iv]

Nang unang mabasa ng kritiko ang kaso mula sa Cases on Arts and Culture Management in the Philippine Setting ang tungkol sa telesine ni Prof. Jovenal Velasco, hindi niya naisip na nandaya o nanulot si Velasco. Dahil kung susuriin, isang folktale o kuwentong-bayan ang istorya ni Urduja. Ibig sabihin, yumaman ang akda sa pamamagitan ng salin-dila o pasahan ng mga kuwento mula sa iba’t-ibang tao.

Nagkaroon diumano ng anomalya sa pag-ere sa GMA 7 noong Hunyo 11, 1995 ang telesineng isinulat ni Velasco na pinamagatang Ang Pangalan Ko’y Urduja. Ito ay nang unang humarap sa korte si Emigdio Alvarez Enriquez noong Agosto 5, 1997, at sinabing ninakaw ni Velasco ang ilan sa mga ideya ng kanyang three-act play na “Alin Ed Purowa o Princess Urduja”.

Ayon kay Velasco ang telesine ay binase niya kay Carl Jung, ang tagapagtatag ng Analitikal na Sikolohiya. Sinabi rin ni Velasco na trinato niya bilang archetype ang Urduja. Itinaas at pinalakas niya ang katangian ng isang babaeng nadurusa dahil sa wala itong kakayahang mabuntis o makaanak. Ginamit lamang diumano niya ang ilang detalye mula sa dula ni Enriquez, dahil “kinakailangan itong hiramin”. Subalit ang nais niyang ipunto ay, kahit hiniram niya ang mga pangalan, magkaiba ang kahalagahan at karakter ng kanyang tauhan kumpara sa tauhan ni Enriquez.

Ayon naman kay Enriquez, ginamit ng teleplay ni Velasco ang kanyang istorylayn, mga tauhan, at lugar nang walang pahintuloy mula sa kanya. Halimbawa rito ay ang mga tauhang sina Badur, Kasilag, at Lakis Lao; mga lugar na Tawalisi at Talamasin; at ang eksena ng pagpupugot ng ulo. Ipinahayag din ni Enriquez na walang silbi o walang halaga ang buong telesine kung hindi ginamit ni Velasco ang mga bahagi mula sa kanyang dula.

Sa palagay naman ng kritik, napakahambog ni Enriquez para ipagpalagay na hindi mabubuo ang telesine ni Velasco kung wala ang mga parteng sinulat niya.

Ang dula ni Alvarez ay isang historikal na istorya. Bawat bahagi ng Princess Urduja ay nagmula sa pinagtagni-tagning alamat, epiko, kuwentong-bayan, bugtong at iba pang oral na tradisyon noong sinaunang panahon. Halimbawa na rito ang sinabi ni Dr. Roland Tolentino. Ayon sa kanya, parte na diumano ng kultura ng Pilipinas ang tradisyon ng pagpupugot ng ulo at ng pangangaso. Sapagkat hindi mabubura ng sinuman ang patuloy na pagdaloy ng mga tradisyong ito sa kamalayan ng mga Pilipino.

Kung iisipin, napakalaki at napakahusay ng puntong ibinato ni Dr. Tolentino. Maging ang kuwentong inaangkin ni Enriquez ay hindi orihinal na nagmula sa kanya. Hindi sa kanya nagmula ang mga konseptong iyon, kundi sa kasaysayan ng bansa.

Isa pa, napatunayan ni Velasco gumawa siya ng malawak na pagsasaliksik. Diumano’y nanghiram pa siya sa lokal na pamahalaan ng Pangasinan, at sa ilang katutubong Pangasinensi. Maaaring nagkataon lamang na nagkapareho ng tuhog o atake ang kuwento nila ni Enriquez dahil nagkaroon ng parallel grounds ang kanilang pagsasaliksik, at natumbok nilang parehas ang posibleng kuwento para sa Urduja.

Subalit, may punto si Enriquez sa kanyang paglaban sa kaso. May karapatan siyang protektahan ang kanyang obra maestra. Bakit? Dahil hindi siya araw-araw nakakagawa ng mga ekstraordinaryong akda tula ng Princess Urduja. Kailangan niya iyong paghandaan, paglaanan ng oras at atensiyon, pagsikapan at pagpaguran. Paniguradong ganoon din ang hirap niya upang mabuo ang natatanging akda na Princess Urduja. Kaya’t nang matuklasan niyang may isang manunulat na basta na lamang ginamit ang kanyang pinaghirapang obra maestra, labis siyang nagalit at nainsulto – isang reaksiyong katanggap-tanggap.

Ganoon din siguro ang magiging reaksiyon ng kritiko sakaling mangyari ang insidenteng ito sa kanya. Magiging mahirap at masakit para sa kritiko. Bakit? Una, dahil ang mga malikhaing akda ng manunulat ay akda ng kanilang buhay. Pruweba iyon na sila’y nabubuhay, at sila’y may kapangyarihang angkinin ang mga salita at mga pangyayari. Kumbaga, ito ang maiiwan nilang pamana para sa mga susunod na henerasyon ng manunulat. Ikalawa, ang bawat malikhaing akda ng manunulat ay tinuturing nilang anak, parte ng kanilang sarili. Sino ba namang magulang ang hindi maiinsulto kung pipilasin o nanakawin ang mga bahagi ng kanyang sarili?

Kaya’t ang inilalatag na pahayag ni Prof. Emigdio Alvarez Enriquez ay labis na nauunawaan ng kritiko dahil ang kritiko rin ay isang manunulat. At imposibleng maging manhid ang isang manunulat sa mga sensitibong kasong katulad nito.

Sa kabilang banda, nakatulong nang malaki si Velasco sa pag-usbong ng makalumang panitikang Filipino. Ipinakita lamang niya sa ginawa niyang aksiyon, na maaari pa ring mapangalagaan at mapalawak ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagsusulat hango sa historikal na konteksto. Isa siyang magandang ehemplo para sa mga makabagong manunulat, na walang ibang genre kundi pag-ibig, pamilya, at mga luho. Ipinakita niyang kahit sinong manunulat mula sa kontemporaryong panahon, ay maaaring magbalik tanaw, at maaaring makatulong sa pagpapayabong sa mga sinaunang uri ng panitikan.

Subalit, katulad nga ng sinasabi ng maraming tao, maganda man ang layunin ngunit mali naman ang paraan, nasisira ang kagandahan ng layunin.

Ang malaking pagkakamali ni Velasco ay nag-assume siya. Umasa siyang porket palasak na ang kuwento ni Urduja sa Pilipinas, ay hindi na niya kailangan pang magpaalam sa may-akda. Isa itong malaking pagkakamali na maaari sanang naagapan kung hindi nagpabaya at nagpadalos-dalos ang may-akda.

Sa kabuuan, may punto ang ipinaglalaban ng dalawang panig. Subalit, hindi itinuturing ng kritiko na “krimen” ang naganap na plagiarism, sapagkat nahihinuha ng kritiko na hindi sinasadya ni Velasco ang nangyari.

Bakit? Ano ang Epekto?

Ang plagiarism ay ang pag-aangkin ng isang bagay na hindi sa iyo. Isang panghihiram na walang paalam.[v] Ipinapakita mo ang isang akda bilang sarili mong gawa. Isa itong anyo ng pagnanakaw.

Pero bakit nga ba nagple-plagiarize ang mga tao?

Laganap ang plagiarism sa mga paaralan at unibersidad. Madalas itong gawin ng mga mag-aaral dahil tinatamad silang manaliksik, at gumawa ng pansarili nila.

Subalit ang karamihan sa mga nagple-plagiarize ay kung hindi wala ay may kakaunting tiwala sa kanilang sarili. Hindi nila nararamdamang may kredibilidad ang kanilang akda dahil sila lamang ang sumulat nun. Ang iba naman ay sadyang walang kakayahang magsulat o hindi makasulat. Ang iba naman ay nalulunod sa inggit sa mga successful na manunulat. Ang iba naman ay nagmamadali, at sa halip na paghirapan ang akda, ay dadaan sa shortcut. Pero ang pinakamadalas ay, nais nilang pataasin ang sarili’t makakuha ng mga paghanga’t parangal mula sa ibang tao, halimbawa mataas na grado at mga pabuya.[vi]

Dahil sa panahon ng mga kompyuter, tila naging trend na ang plagiarism sa Pilipinas. Mabilis na nahahanap ng mga tao ang mga dapat hanapin sa tulong ng mga search engines. Kung kaya’t ang mga nagple-plagiarize ay patuloy na dumadami. Sapagkat hangga’t walang nakakahuli sa kanila’y, magpapa-ulit-ulit lamang sila sa kanilang ginagawa.

Nagiging kalebel na ng mga nagple-plagriaze ang mga kidnappers.

Samakatuwid, ang mga paksang inilatag sa itaas ay hindi katanggap-tanggap na pag-uugali sa lipunan. Sa simpleng pangongopya ng ideya’t salita, nagsisimula ang pagbuo ng karakter ng isang tao. Sa pag-uugaling ito, nag-uugat ang mabibigat at masasamang pag-uugali ng mga higanteng tao ngayon sa lipunan. Ayon nga sa Honor and Excellence na video ni Winnie Monsod, nag-uugat sa pangungupit at pangongopya ang malaking corruption na nagaganap ngayon sa Pilipinas.

Anu’t-anuman, mas mabuti nang hindi makatanggap ng mga parangal at pabuya kaysa maging isang linta –lintang sumisipsip sa pinaghirapan ng isang masipag na mamamayan.

#

MGA SANGGUNIAN:

1 comment: