Mabilis kong hinalo ang dilaw at pulang pintura
gamit ang buhaghag na brotsa.
Mabilis din ang pagtibok ng aking puso.
Ano kaya ang mapipinta ko ngayon?
Kinumpas ko ang nangungulubot nang mga kamay
at napangiti nang tumulo ang pintura sa malawak at putim-puting kambas.
Ang itaas ng kambas ay pinahiran ko ng kahel;
Ilang segundo pa’y tumingkad ito’t naging kalangitan.
Ang ibabang bahagi naman ay dinampian ko ng dilaw;
Walang ano-ano’y lumitaw ang papalubog nang araw.
At linagyan ko pa ng detalye: kabundukan, karagatan, puno ng niyog, ibon...
Napatitig ako sa nagawa’t napahanga.
Hanggang sa umugong sa eyre ang pamilyar na boses...
Inday, tapos ka na ba riyan? Bilis-bilisan mo,
at linisin mo na ang silid ng mga anak ko.
Bumalik ang aking ulirat –
Tumambad sa aking paanan ang dilaw at pulang timba,
buhaghag na lampaso, at putim-puting sahig.
At nagsimulang maglaho ang lahat;
Nagsimulang maglaho ang kulay kahel na kalangitan.
Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment