Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Thursday, September 30, 2010

Nang Ako’y Nag-Dyip Kasama ang Kabayo at Tindero ng Tahong

Hindi mabubura sa aking gunita

Ang unang pagsakay na kasumpa-sumpa.

Hindi sa dahilang ito ay masama,

Kundi dahil sulit ang baryang ginasta.

Sa kalye ng Kalaw, kami ay nayanig.

Ulo ng kabayo ay biglang sumilip.

Sa gitnang espasyo, ito ay sumiksik;

Pilit hinalikan’g batang umaawit.

Sumagitsit ang dyip paglagpas ng Raón.

Sumubsob ang dilag na agaw-atens’yón;

Mukha n’yang marikit ay biglang bumaón

Sa kilikili ng tindero ng tahóng.

.

No comments:

Post a Comment