Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Wednesday, September 15, 2010

Kayong Mga Punongkahoy

Katulad kayo ng mga gomang tsinelas;

Di mabilang, nagkalat,

Balabal sa nalalantang talampakan

Subalit pag napigtas, nawala

o inagos ng baha,

A, siguradong matutunaw (ang talampakan)

sa paghalik

sa pakong kinakalawang.

No comments:

Post a Comment