Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Wednesday, March 25, 2009

The mightiest sailor

Tatlong biyayang sumibol
Bagamat pariwara't mapagmaktol
Dapat mayaong niya na siya
Ang nag-iisang ama para sa kanila

Kahit ang pamilya niya ay
Nababalutan ng poot at lumbay,
Nariyan siya laging naka-agapay
Buong-buo't walang humpay

Biglaang pangangailangan?
Una siyang tawagan
At siya'y agarang dadatan
Ng walang alinlangan

Kung hangad mo ay kaligayahan
Siya'y iyong tunguhan
At ika'y taos-pusong alalayan
Ng awiting kay-gaan sa pakiramdam

Kahit butas na bulsa ang problema
Natitirang barya'y hindi iwawaldas
Maibigay lamang buong tulong
Sa kanyang mga kaibigan

Lakbayin man niya ang karagata'y
Sa isip niya'y kami ay hindi nawawalay
Patuloy na naghahanap-buhay
At nagbibigay patnubay

At dahil ika'y nasa ika-limampu't apat na taon na
Ay aking inihahandog itong tula
Na sambid lamang ay iyong butihing puso
At kaluluwang kaytaas ng konsyensya

Mula sa iyong iresponsable
Burara, Suwail, Tamad
na panganay na anak,
Maligayang kaarawan aking ama!


- A poem for my DADDY ROWEN T. DAVID for his 54th last March 22, 2009. Thanks for everything, especially for the advices, concerns and strength each time I need it the most. I awe you 3/4ths of my happiness in life. I love you, Dad. :-*

No comments:

Post a Comment