Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Sunday, October 3, 2010

Bakit pa, Bunso?

Bakit pa, Bunso?

Bakit mo pa kinakapalan ang kulay

ng iyong mapupula nang mga labi?

Bakit mo pa pinagmumukhang matangos

ang mataas mo naman nang ilong?

Bakit mo pa pinapapula

ang mestisahin mo nang mga pisngi?

O, bunso, hindi mo ba alam

na nagmumukha kang bangkay?

Hindi tuloy bumabagay

sa kasimplehan mong taglay.

Kung di ka naniniwala,

ihahatid kita sa’yong libingan.

Tara na, nang di ka makita

nila Mama, Papa, Kuya,

at ng mahal kong si Joshua

na ganyan ang itsura.

Sige ka, di ka na nila pupurihin pa.

No comments:

Post a Comment