Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Thursday, July 22, 2010

1. INT. 58. Bahay nina Sepa. Gabi.

Simula pa lang, hindi ko na malimutan ang bahaging ito. Nabahala at nag-alala ako sa pagkawala ng kapangyarihang manggamot ni Elsa. Noong binabasa ko ito, tila nararamdaman ko ang bigat ng pasanin ni Elsa. Nararamdaman ko ang pighati niya sa mga nangyayari sa kanya. Kaya nang di niya mapagaling ang mga bata’y, labis akong naapektuhan.

2. Sequence Treatment (Ending)

Bago mamatay si Elsa, naghabilin ito kay Orly. Matapos ang ilang buwan, ipinalabas ni Orly ang pelikulang kinunan. Simula nito’y, umusbong ang kabuhayan ng Cupang. Binago ang pangalan ng bayan at ginawang Elsang.

3. Sequence Treatment with Dialogue

77. Ext. Kalsada. Umaga. (May kaunti lamang na inedit mula sa orihinal na katapusan)

Lalapit si Orly at kukunan si Elsa. Pipilitin nitong makapagsalita habang pinipisil ang duguang dibdib.

Elsa: Gawin mo, Orly.

Orly: Pero, Elsa...

May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Patuloy na kukunan ni Orly ang mga kaganapan, at ang nag-iiyakang Siyete Apostoles.

Baldo: (sisigaw sa mga tao) Patay na si Elsa!

(Karugtong pa rin nito ang orihinal na mga pangyayari.)

78. Ext. Bahay nina Elsa. Hapon

Isang linggo mula nang namatay si Elsa. Nakaupo sa likuran ng bahay sila Orly at Sepa. Matamlay ang dalawa.

Orly: Pinag-iisipan ko pa.

Dadating si Aling Saling, may dalang dalawang baso ng kape. Uupo sa tabi ni Sepa. Kaharap ng dalawa si Orly.

Sepa: Huling habilin iyon ni Elsa.

Aling Saling: Kung sa tingin mo’y tama, gawin mo.

Yuyuko si Orly at mapapa-buntonghininga.

79. Ext. Sinehan. Gabi.

Dalawang buwan makalipas, matamlay pa rin ang Cupang. Nakatayo sa labas ng exit gate ng sinehan si Orly. Kinakabahan siya sa pagsasapelikula ng “Elsa Really Loves You”. Nagdadasal siya.

Lalabas ang mga manunuod. Karamihan ay tulala at walang ibang pinapansin. Dire-diretso sila sa paglalakad. Ang iba’y nagbubulungan. Ang iba’y itinatago ang mapupulang mga mata. Ang iba’y mariringgan ng paghikbi. Maririnig ni Orly ang pinag-uusapan ng mag-amang Nimia at Igmeng Bugaw.

Nimia: (Nakatingin sa malayo) Santang talaga si Elsa.

Igmeng Bugaw: Napakalakas ng loob niya.

Ilalabas ni Nimia ang payong dahil lumalakas na ang ulan.

Nimia: Kung bakit kasi napakabilis nating manghusga ng kapwa.

80. Ext. Tindahan ni Lucio. Hapon.

Nag-uusap-usap sina Igmeng Bugaw, Baldo, Sepa, Aling Saling at Mrs. Gonzales. Parang may kapistahan sa kalsada. Dagsa ang mga turista. Kalat din ang mga manininda at maglalako. Amoy semento ang kapaligiran dahil sa mga ipinapagawang establishemento. Ngunit, maligaya ang mga tao sa kabila ng pagtatrabaho. Tumaas ang ekonomiya ng bayan isang buwan matapos ipalabas ang pelikula ni Orly.

Subalit sa kabila ng kasiyahan ay ang pagluwas ni Orly patungong Maynila.

Igmeng Bugaw: Orly, pagbalik mo, hanapin mo lang ako!

Mrs. Gonzales at Sepa: Maraming salamat!

Aling Saling: Mag-iingat ka, iho!

Ngingiti si Orly at kakaway. Mapapatingin siya sa mga nagpapalit ng karatula ng Cupang. Mas malinis, maliwanag at malaki ang bagong karatulang ikinakabit - Elsang.

Mayor: (Sisigaw sa mga manggagawang nagpapalit ng karatula) Hoy yung kanan mas mataas!

Maglalakad paalis si Orly. Tatanguan niya ang rebulto ni Elsa sa bandang kanan niya.

No comments:

Post a Comment