Rinequire ng prof ko. Sinulat ko. Pinost ko.

Thursday, July 15, 2010

Siya at Ako, Kami’y Iisa

MP 198 Romance Novel (Outline)

MGA ELEMENTO

I. TAUHAN

A. Pangunahing Tauhan

Neeya

Si Neeya Evangelista na mula sa maykayang pamilya, ay masipag mag-aral at matalino. 17 taong gulang na siya at ikalawang taon sa kursong Journalism sa UP Diliman.

Selfless. Ito ang pinaka-naglalarawan sa kanya. Matulungin at mapagbigay siya sa kanyang kapwa, lalo na sa Besty niya. Maliban dito’y aktibong miyembro siya ng Youth for Christ.

Hindi halata ang pagiging sakitin niya sa kabila ng pagiging maangas o boyish. Madaldal siya subalit malihim na tao. Mahilig siyang maglagay ng kulay sa kuko at magsulat sa journal. Malakas tumawa.

5”2 ang taas, may taglay na Pinay beauty.

Johnny

Si Johnny Bee o ang Besty ni Neeya ay mula sa mayaman at popular na pamilya. Mahusay itong mag-Ingles sa kabila nang pagiging tamad sa akademya. 19 taong gulang at ikalawang taon na sa kursong Fine Arts sa Kalayaan College.

Isa siyang mahusay na manlalangoy. Kilala siya sa pagiging babaero. Subalit sa tuwing nabibigo siya sa pag-ibig, isa lamang ang tinatakbuhan niya – si Neeya.

Likas siyang sweet sa mga babae. Mahilig magjoke na may halong panlalait. May itsura siya, pormal, singkit, maputi, at may taas na 5”3.

Renren

Si Terence Archuleta ay 20, 4th year college sa Letran, kumukuha ng Comm. Arts. Hindi pa rin kongkreto ang pangarap niya sa buhay dahil ang hilig niyang talaga ay ang pagbabanda. Isa siyang bokalista.

Maykaya siya, magalang, mabuti, matalino, mapagkumbaba, at higit sa lahat loyal at stick to one. Subalit, sa huli’y matutuklasan ni Neeya na ang boyfriend niyang ito ay malibog.

Mas matangkad ng kaunti kay Neeya. May pagka-totoy manamit. Sa kalagitnaan ng maputi at kayumanggi.

Choco

Si Chocolate Ching, 16, ay dating kasintahan ni Johnny at malapit na kaibigan ni Neeya.

Isa siyang fashion model sa DLSU. Taglay niya ang katangiang hinihingi ng propesyon, mestiza, long-legged, maputi, balingkinitan, at maganda. Sopistikada at babaeng-babae ito kumilos. Mahusay siyang magluto, magsayaw at kumanta. Naiinggit at minamaliit ni Neeya ang sarili dahil sa mga katangiang ito.

Mataas ang istandards niya sa mga lalaki at hindi iyon nameet ni Johnny.

B. Sekondaryang Tauhan

Mama Vic

Ina ni Neeya si Victoria Evangelista. Siya ay humigit kumulang 40 at isang Accountant sa Malate. Proud sa anak na UP student. Subalit ayaw niyang maging aktibista ang kanyang anak. Pangarap niyang makauwi ang asawa na nagtatrabaho bilang OFW sa Qatar. Isa siyang maalaga at mapagmahal na ina.

Kung minsan, sarado ang utak niya sa mga bagay-bagay. Hindi niya gusto si Renren para kay Neeya.

Maganda siya, maputi, makinis, balingkinitan, mas maarte at kikay kay Neeya.

Shaunarae

Matalik na kaibigan ni Neeya si Shaunarae Cervantes, 18. Kahit ikalawang taon na niya sa UST, Tourism, ay gumagawa siya ng paraan upang madalas pa rin silang magkita ni Neeya.

Suportado kay Neeya sa simula’t-sapul. Subalit, hindi siya boto kay Johnny dahil alam na niya nag background nito sa mga babae. Gusto niya si Renren para kay Neeya.

Mahilig siyang magluto at manuod ng sine. Maputi, maraming pekas, mestiza, bilugan ang mata, long-legged at pang-modelo ang features. Mahilig manuod ng sine.

Monty

Matalik na kaibigan ni Johnny si Montgomery Tan, 18. Kumukuha ng Visual Communications sa UST.

Palabiro at tila walang sineseryoso sa buhay si Monty, subalit mahal na mahal niya si Shaunarae.

Sa bandang huli’y siya ang tumanggap ng mga hinaing at kalituhan ni Johnny tungkol kay Neeya.

Tsinito, maputi, macho at mahilig gumimik.

Colleen

Pinsang buo ni Neeya na taga-Aklan si Colleen Dolor, 21. Anak siya ni Tito Alain. Naging hingaan ni Neeya nang nalugmok ito. Dati niyang kamag-aral si Renren at siya rin ang nagpilit sa tambalan ng dalawa.

Maputi siya, malaki at expressive ang mga mata, 5”2, balingkinitan, agresibo at maraming kalalakihang naghahabol. Mahusay makipag-kapwa tao.

Tito Alain

Tito ni Neeya na Mayor ng New Washington si Chris Alain Dolor, humigit kumulang 50. Siya ang nagpahiram ng kotse kay Neeya para hindi ito mahirapan sa pagbiyahe sa Aklan.

May-ari ng isang restaurant bar na madalas pag-istambayan ni Neeya at ng mga pinsan nito.

Carlo at Danielle

Makukulit na kambal na kapatid ni Neeya. Nasa Grade 4 na sila. Malapit ang dalawa kay Johnny.

Hannah

Schoolgirl nila Mama Vic. May pagka-sabatera at tsismosa.

II. TUNGGALIAN

- Nagbalik ang dating kasintahan ni Johnny, at nalugmok si Neeya.

- Malibog ang bagong boyfriend ni Neeya, samantalang siya ay relihiyosa.

III. RESOLUSYON

- Nakipaghiwalay si Neeya kay Renren.

- Nagtapat si Choco na magkaibigan lamang daw sila ni Johnny.

IV. SIKRETO

- Ang malibog na ugali ni Renren

- Lihim na pag-ibig ni Neeya kay Johnny

- Ang higit pa sa matalik na kaibigan na pagtingin ni Johnny kay Neeya

PAGBABALANGKAS

CHAPTER 1

Araw ng San Juan. Walang pasok ang buong Aklan, at lahat ay makikitang nagtatampisaw sa karagatan. Umuwi sa Aklan si Neeya at Johnny upang magbakasyon. Labis ang pagpapasikat ni Johnny sa mga kapamilya ni Neeya, subalit maya-maya ang paggamit niya ng cellphone.

CHAPTER 2

Patungo silang Kalibo upang bumisita sa sementeryo at upang makisalo sa Padasal o Pasasalamat. Bumalik sa alaala ni Neeya ang masasaya at espesyal nilang sandali ni Johnny noong hayskul sila. Ngunit si Johnny ay wala sa sarili, balisa, at muntik nang makasagasa ng pedestriyan. Mabuti na lamang madaling nakaintindi si Renren.

CHAPTER 3

Lumipad pabalik ng Maynila si Johnny. Namatay daw ang ina ni Choco. Bagamat ipinangako ni Johnny na babalik siya, di pa rin mapakali si Neeya kaya dinala siya ni Colleen sa isang YFC event.

Kinagabihan, agaw-atensiyon sa mga tao si Neeya sa sayawan o baylehan. Dito, nakasayaw niya si Renren. Simula noo’y madalas na silang lumabas nito.

CHAPTER 4

Ati-atihan na at magkasama ang magkasintahan, Renren at Neeya. Di na nakabalik si Johnny dahil nagka-Dengue pala ito. Balisa si Neeya, nais nang umuwi ng Maynila. Subalit nakumbinse siya ni Renren na ipagdasal na lamang niya ito, tutal nandoon naman daw si Choco para sa kanya.

Kinagabihan, naiilang pa ring sumama sa YFC events si Renren.

CHAPTER 5

Sa UP Lutong Bahay, aksidenteng nagkita sila Neeya, Choco at Johnny. Pinilit ng babae maging kaswal. Yinakap siya ng lalaki. Dumating si Renren. Sinuntok niya si Johnny.

Nag-didinner ang pamilya ni Neeya kasama si Renren. Panay ang panunulot at pambabara ni Mama Vic kay Renren. Dumating si Johnny, dala ang paboritong puto ni Mama Vic at isang obra niya. Yinakap siya ng kambal. Umingay at sumigla ang bahay.

CHAPTER 6

Magkasama si Choco at Johnny sa UP Lantern Parade. Gayon din si Renren at Neeya, Monty at Shaunarae. Panay ang pagbibiro ni Johnny, walang humpay naman sa katatawa si Neeya. Nagsiselos si Renren kaya sinubukan niyang paghiwalayin ang dalawa.

CHAPTER 7

Mas tumaas ang intensity ng pagiging malambing at touchy ni Renren. Kung anu-ano na ang hinihingi nito. No wonder nang mag-UP Oble run, panay ang tsansing kay Neeya. Unti-unti nang napupuno ang babae. Nagtungo na lamang siya sa kay Johnny upang mag-unwind. Nakahanap siya ng comfort dito.

CHAPTER 8

Pinagtangkaan ni Renren si Neeya sa UP Lagoon. Mabuti na lamang napigil siya nila Choco, Monty at Johnny. Nagkausap ng masinsinan ni Neeya si Choco, sinabi nitong walang namamagitan sa kanila. Sadyang malambing lamang sila sa isa’t-isa ni Johnny at wala na raw ibig pang sabihin iyon.

Ilang linggo makalipas, matapos ng araw-araw na pag-uusap at pagkikita, habang kumakain ng isaw sila Neeya at Johnny, pinababasa ng huli ang nakasulat sa likod ng t-shirt niya. I love you ang nakasulat. Itinuro ng babae ang jersey nitong may numero dos. Yinakap siya ni Johnny.

PROBINSIYA: AKLAN

Tuwing summer, nakalista na sa itinerary namin ang pagbisita sa Aklan. Dito kasi ipinanganak ang aking mga magulang. Binabalikan at pinasasalamatan lamang nila ang lugar na kanilang kinagisnan.

Dahil dito’y naging malapit ako sa Aklan – sa mga tao, lugar, pagkain, pangyayari, at iba pa.

Pinakakilala ang bayan ng Kalibo sa makulay at magarbo nitong pista ng Sto. Niño, ang Ati-Atihan.

Sa kasaysayan, ang pista ay idinadaos upang ipagdiwang ang kasunduan ng tribu ng Ati at Malay na tumira sa isla. Ang mga Ati ay tumira sa kabundukan, habang ang Malay ay sa kapatagan o sa lugar na malapit sa tubig. Nagsisimula ang pista kapag tuyo na ang panahon. Sa panahong ito, bumababa ang mga Ati mula sa kabundukan upang makipagkalakalan at makipagdiwang sa mga Malay. Subalit nang manirahan ang mga Espanyol sa rehiyon, ikinonvert nila ang mga Malay sa relihiyong Kristiyano. Pinakiusapan ng mga kolonisador ang Malay na ipagdiwang ang pista kasabay ng Pista ng "Santo Niño" Banal na Anak na kadalasang ginaganap sa ikatlong linggo ng Enero.[1]

Sa paglipas ng taon, nagkamit ang pagdiriwang ng tayog sa lokal at internasyonal na antas. Ang makukulay na kostyum na African-, South American-, at Pacific-inspired ay isinusuot ng mga grupo ng mga mananayaw. Ang mga grupo ay nakikipagtunggalian sa bawat isa sa pamamagitan ng dami ng kalahok ng grupo, pagandahan ng kostyum, musika at sayaw.[2]

Kahit nagkakaiba ng galaw ang katawan, kalimitan ay sinusunod ng mga mananayaw ang ritmo ng tugtog. Ito ay ang paulit-ulit na dalawang maliliit na hakbang sa kanan, susundan ng dalawa pang maliliit sa kaliwa, at tinatapos ng isang malaking hakbang pasulong. Sa pagitan ng mga hakbang o sayaw na ito, ay ang pagsigaw ng “Hala Bira! Puera Pasma!” ibig sabihin ay “Ipagpatuloy! Walang kapaguran!”, at “Viva Señor Sto. Niño!” Sinasabayan ito ng malakas na paulit-ulit na pagtatambol.[3]

Third year hayskul ako nang una kong maranasan ang street dancing sa Aklan o mas kilala sa tawag na sadsad. Ang kahulugan ng sadsad sa mga Ibajaynon ay kahit sino ay maaaring sumali at makisayaw sa parada. Dito sa sadsad ay pumaparada ang iba’t-ibang pangkat, binubuo ng kani-kanilang miyembro, maaaring Aklanon, Manilenyo o dayuhan. Naaalala kong

Ang susunod na pangyayari ay bagamat di ko pa personal na nararanasan, marami-rami na ring naikukwento ang mga kamag-anak ko sa akin, at tingin ko’y kawili-wili ito. Ito ang Araw ng San Juan. Ito ay ang selebrasyon ng pista ni San Juan de Bautista at ginaganap taon-taon tuwing Hunyo 24.

Sa panahong ito’y walang pasok ang mga mag-aaral at araw ng pahinga ng mga nagtatrabaho. Halos buong Aklanon ay makikita lamang sa karagatan, naliligo at nagtatampisaw dito. Tinuturing itong family day dahil nagkakasama ang mga magkakapamilya.

Kasabay ng pagdiriwang, minsan ay may nagaganap na Sta. Cruzan sa ilang bahagi ng Aklan. Pinipili ng parokya iyong mga dalaga’t binata na lalahok dito. Idinadaos ito kapag malapit na ang Araw ng San Juan.

Nagpupunta rin ng simbahan ang buong pamilya, at kapag nakauwi na’y maliligo na. Mayroong mga pamilyang nagbabangka patungo sa kabilang isla. Mayrron namang mga nangingisda. Mayroon ding nagdadala ng sasakyan o trak sa buhanginan at ito na ang nagsisilbi nilang pahingahan. Ang iba namang nakaangat sa buhay ay nagpaparenta ng kubo para sa isangbuong araw ng kainan, kantahan at kasiyahan.

Ang ikatlo namang pangyayari ay ang taon-taon naming isinasadya sa probinsiya, ang Palingkod.

Isa itong taon-taong pasasalamat ng isang sambahayan. Mayroong iniimbitahang dalawang mag-asawang mahirap, at isang batang lalaki at aabuluyan sila ng mga taga-roon sa bahay at mga bisita. Sa pagitan nila ay may lamesa ng mga benditadong pagkain.

Iikutan ng mga bisita ang dalawang matanda at ang bata. Una’y maghuhulog sila ng donasyon sa bata, susunod ay luluhod sa harap ng matandang babae at hahalik sa hawak nitong rosaryo. Gayon din ang gagawin sa matandang lalaki.

Ang nasabing tradisyon ay isang pasasalamat sa maraming grasya, mabuting kalusugan at iba pangbiyayang natanggap ng buong kabahayan.

Maliban sa mga nabanggit ko, malaki pa rin ang paniniwala ng mga Aklanon sa mga aparisyon, multo, engkanto, kulam, barang at iba pa.

PROBINSIYA: AKLAN II

Mga Hayop

· Philippine Spotted Deer (Cervus alfredi),

· Visayan warty pig (Sus cebifrons),

· Tarictic Hornbill (Penelopides panini).

Ekonomiya

· Isang first-class na probinsiya

· Ang Boracay, islang nasa hilaga ng Panay, ang isa sa mga prominenteng destinasyon dito sa Pilipinas. Nakakapagpataas ito ng kita sa buong Aklan.

· Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay sa mga taong malapit sa kalupaan, habang pangingisda naman iyong malapit sa karagatan.

· Sa kabila ng masiglang turismo at sapat na agrikultura ng bansa, itinuturing pa ring isa sa mga pinakamahihirap na probinsiya ang Aklan.

Demograpiya

· Aklanon

· May matatagpuan din ditong mga Ati, Sulod, Karay-a, Hiligaynon at Capiznon.

Wika

· Akeanon o Aklanon

· Malaynon na ginagamit ng mga Malay

· May ibang pangalawang wikang ginagamit ang mga minorya.

Relihiyon

· Karamihan ay may relihiyong Romano Katoliko.

· Mayroon ding mga naniniwala sa mga idolo tulad ng Sto. Niño

· Animismo sa mga Ati

Kultura

· Pista ng Ati-Atihan

· Paniniwala sa kulam o amulit

· Paniniwala sa aswang at sa babaylan

Panitikan

· Epiko ni Kalantiao

· Nakapaglimbag ng mahuhusay na akda sila Melchor F. Cichon at Niezel Rondario Fernando,

Mga Bantog at Mahahalagang Aklanon

Arts and Crafts

· Paghahabi ng piña na tinatawag na pili or sinuksuk.

Pagkain

· Suman

· Rambutan

· Hipon at Alimasag

Sikat na Pasyalan

· Boracay

· Malamig na bukal ng Nabas

· Seven basin waterfalls ng Jawili

· Limang kweba ng Buruanga

· Water rafting sa Libacao

· Sampaguita Gardens ng New Washington

MGA SANGGUNIAN

http://en.wikipedia.org/wiki/Aklan

http://aklan.islandsphilippines.com/visual-arts-crafts.php

http://visayancongress.net/articles_atiatihan.htm

http://www.servinghistory.com/topics/Aklan::sub::Culture

http://www.travelpod.com/travel-blog-entries/bluesummit/australia-2003/1167537600/tpod.html

http://www.exploreiloilo.com/travel-guide/aklan-philippines

http://www.nscb.gov.ph/ru6/aklan.htm

No comments:

Post a Comment